Nakitaan ng magmatic activity ang Bulkang Mayon sa Albay Province.
Batay sa monitoring bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may mga pamamaga sa bunganga ng Mayon at patuloy na naglalabas ng mainit na puting usok.
Indikasyon aniya ito na may magmatic activity sa ilalim ng bulkan.
Bukod rito, nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng volcanic earthquake sa nakalipas na 24-oras.
Sa ngayon ay nananatili sa alert level 2 ang Bulkang Mayon na ibig sabihin ay nasa moderate unrest.
Sa ilalim nito, pinagbabawalan ang mga residente na pumasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone.
Facebook Comments