BUMABA ANG RESPETO | Liderato ng Senado, siguradong mababasura ang reklamo sa ICC laban kay Pangulong Duterte

234

Manila, Philippines – Kumpyansa si Senate President Koko Pimentel na
mababasura lang ang reklamong inihain sa International Criminal court o ICC
laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang reklamo ay may kaugnayan sa tumataas na bilang ng mga namamatay sa
bansa sa harap ng ikinasang gera kontra iligal na droga ng Pangulo.

Katwiran ni Pimentel, ipinapatupad lang ni Pangulong Duterte ng mahigpit
ang mga batas na umiiral sa bansa laban sa illegal drugs at hindi ito
maituturing na krimen laban sa sankatauhan.

Paliwanag ni Pimentel, ang nabanggit na reklamo ay panloob na isyu lang sa
Law Enforcement dito sa Pilipinas.

Malinaw, ayon kay Pimentel, na ang reklamo ay kagagawan lang ng mga
politiko na hindi makatanggap sa pagkapanalo ni Pangulong Duterte sa
nagdaang eleksyon.

Aminado si Pimentel na bumaba ngayon ang respeto niya sa ICC dahil
nagpapagamit ito sa mga politiko na hindi makatanggap sa kanilang pagkatalo.

Facebook Comments