Monday, April 6, 2026

CAAP, isusulong na rin ang paggamit ng alternatibong jet fuel para sa mga eroplano

Isinusulong na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pag-adopt ng Sustainable Aviation Fuel (SAF) para sa mga eroplano.

Layon nito na mabawasan ang aviation carbon emissions ng 65 to 80 percent.

Kaugnay nito, sinimulan na ng CAAP ang Sustainable Aviation Fuel Policy Development Workshop sa industry stakeholders.

Sumentro ang workshop sa feedstock availability, production technology, capacity-building, regulatory support, airline participation at investment opportunities na kakailanganin para masuportahan ang Sustainable Aviation Fuel sa bansa.

Kabilang sa ikinukunsidera ng CAAP na maaring ma-convert sa aviation fuel ang waste materials mula sa palay at niyog.

Facebook Comments