
Kinumpirma ng CAAP ang pagbagsak ng Bell 505 helicopter sa Pililla, Rizal.
Ayon sa CAAP, ang bumagsak na aircraft ay patungo sana ng Quezon Province mula Manila nang maganap ang insidente.
Kinumpirma rin ng CAAP na dalawa ang nasawi sa insidente habang ang tatlong iba pang sakay ay isinugod sa pagamutan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board sa naturang pangyayari.
Facebook Comments










