Executive Secretary Vic Rodriguez, itinangging nagbitiw na sa kaniyang pwesto

Tahasang pinabulaanan ni Executive Secretary Atty. Victor Rodriguez ang napabalitang pagbibitiw niya sa pwesto.

Sa isang pahayag, sinabi ni Rodriguez na hindi niya alam kung saan nanggaling ang tsismis pero ang katotohanan, naroon lang siya sa kaniyang opisina at hindi siya masyadong nakalalabas dahil sa dami ng kaniyang trabaho.

Ayon kay Rodriguez, hindi siya dapat nagpapaliwanag ngayon kung ang mga ulat ay walang kumpirmasyon pero para maging malinaw ang lahat ay kaniya na itong itinatanggi.


Sa ngayon aniya ang dapat na hingan ng paliwanag ay kung sino ang naglabas ng tsismis, sino ang source nito at kung reliable ang source.

Binigyang-diin ni Rodriguez na sinuman sa kanila sa gabinete sa sandaling tinanggap ang posisyon ay awtomatiko ring tanggap na anumang sandali ay pwede silang tanggalin sa pwesto ng pangulo.

Ngunit hanggang hindi aniya nangyayari iyon ay mananatili sila sa pwesto.

Facebook Comments