Cabinet revamp, pinuri ng Liderato ng Kamara

Nagpahayag ng buong suporta si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagbalasa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang Gabinete.

Para kay Romualdez, ang hakbang ng Pangulo ay nagpapakita ng tapang sa paghingi nito ng pananagutan at pag-aayos sa pamamahala ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Romualdez, ang aksyon ni PBBM ay patunay na ito ay nakikinig at tumutugon.

Tiniyak naman ni Romualdez ang kahandaan ng Kamara na makipagtulungan sa bagong Gabinete upang makalikha ng mapapasukang trabaho, mapababa ang presyo ng pagkain, at makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.

Facebook Comments