Pagdami ng dayuhang barkong-pangisda sa karagatan ng Batanes, pinapa-imbestigahan ng isang Kongresista

Pinaiimbestigahan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. ang nakaka-alarmang pagdami ng presensya ng mga dayuhang barkong pangisda sa karagatang sakop ng Batanes.

Giit ni Gato, banta ito sa ating Marine Biodiversity at food security, at delikado rin sa ating Ivatan fishermen at sa kanilang kabuhayan.

Ayon kay Gato, hindi dapat hayaan ang mga dayuhan na basta-bastang manghimasok o pumasok sa ating mga teritoryo ng walang parusa.

Bunsod nito ay kinalampag ni Gato ang mga kaukulang ahensya upang pa-igtingin ang pagbabantay at proteksyon sa karagatang sakop ng teritoryo ng ating bansa, at tiyaking natutupad ang maritime laws.

Humihiling din si Gato ng paglilinaw ukol sa natanggap nyang report na pinakawalan ang mga nahuling Taiwanese na ilegal na nangingisda sa karagatan ng Batanes.

Facebook Comments