Carla Abellana at Tom Rodriguez, engaged na!

Engaged na ang long-time couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Kahapon March 21, sabay na inanunsyo nina Carla at Tom na engaged na sila sa pamamagitan ng kani-kanilang Instagram.

Ipinakita ni Tom ang litrato nila ni Carla kung saan kitang-kita ang diamond ring na suot ng Kapuso actress.


Idinaan ni Tom sa isang Love Quote mula sa isang sikat na poet/diplomat/politician na si Pablo Neruda ang pahayag ng kaniyang malalim na pagmamahal kay Carla.

Sa IG post naman ni Carla, masayang ibinahagi ng dalaga na paulit-ulit siyang sasagot ng “yes” sa marriage proposal ni Tom.

Sa ngayon, higit anim na taon nang magkarelasyon ang dalawa kung saan lalo pa raw pinagtibay ng pandemya ang kanilang relasyon.

Facebook Comments