Carnapper natiklo ng mga barangay officials ng RH-10

Arestado kagabi ni RH-10 barangay Chairman Kombol Mamalangkay ang isang carnapper matapos na nakawin ang motorsiklong may sidecar sa bayan ng Pikit North Cotabato. Ayon kay Kap.Mamalangkay sa ginawa nating panayam sa kanya kanina sa Sentro Serbisyo, sinabi nito na bandang alas tres ng hapon kahapon ng matanggap niya ang report na may tkinarnap na motor sa Pikit at patungo umano sa cotabto city particular sa Malagapas ang suspect. Kayat kaagad siyang nagsagawa ng paghahanap sa kanyang mga purok at pasado alas nueve kabagi ng matiklo ang isang suspect sa isang purok nito at nakatrapal na ang ninakaw nitong Kaaawasaki Barako 175 na merong sidecar. Kinilala ang suspect sa pangalang Nasrudin Ali nasa hustong eded at residente ng Pikit…Kaagad naman siyang tunurn-over ni kap.Kombol kay PP2 station Commander PCI Efren Salazar….Sa ngayon ay nakapiit na ang suspect at nakatakdang sampahan ng kaso ng kapulisan.

Facebook Comments