MGA AKTIBIDAD SA URDANETA CITY FIESTA 2026, INILATAG NA

Inilabas na ng lokal na pamahalaan ng Urdaneta City ang listahan ng mga aktibidad para sa City Fiesta 2026 na nakatakdang ganapin mula Disyembre 1 hanggang 8.

Tampok sa walong-araw na pagdiriwang ang mga libreng concert at iba pang aktibidad para sa publiko, kabilang ang mga pagtatanghal nina Earl Agustin at Amiel Sol, kasama ang iba pang mga artistang kabilang sa powerhouse lineup ng lungsod.

Inaasahang magbibigay ng iba’t ibang entertainment at oportunidad para makiisa ang mga residente at bisita sa mga nakalinyang programa sa buong linggo ng fiesta.

Inanyayahan naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na makiisa sa mga aktibidad na nakatakdang ganapin sa Urdaneta City mula Disyembre 1 hanggang 8, 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments