Friday, July 24, 2026

China, walang karapatang mangialam sa mga aktibidad ng Pilipinas sa sarili nitong teritoryo at maritime zones — Defense secretary

Binigyang-diin ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., na walang karapatan ang China na mangialam sa mga aktibidad na isasagawa ng Pilipinas sa BRP Siera Madre sa Ayungin Shoal.

Ito’y matapos na sabihin ng Beijing na mayroon umanong isinasagawang construction sa BRP Sierra Madre kung kaya’t nagkaroon ng insidente sa pagitan ng Philippine Navy at China Coast Guard.

Kung saan ayon sa China, lumabag ito sa 2024 provisional understanding sa pagitan ng Beijing at Manila.

Ayon kay Teodoro, wala silang pakialam kung ano ang gagawin ng Pilipinas sa sarili nitong teritoryo.

Samantala, hindi naman kinukumpirma o hindi rin itinatanggi ni Teodoro nasabing alegasyon ng China.

Ayon pa sa kanya, gusto lang ng China na kontrolahin ang nasabing lugar kung kaya’t nag-iimbento rin ito ng mga paglabag.

Facebook Comments