Malinaw na “betrayal of public trust” o pagtataksil sa tiwala ng mamamayan ang pagbiyahe ni Vice President Sara Duterte sa iba’t ibang mga bansa sa panahon ng impeachment trial sa kanya.
Ayon kay Manila Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr., ang pagtungo sa abroad ni VP Duterte ay hindi saklaw ng Constitutional responsibilities ng Office of the Vice President (OVP) at pagbalewala sa impeachment process.
Diin ni Abante ang paglabas ng Pilipinas ni VP Sara ay pagkutya sa impeachment court at kawalan ng respeto sa mekanismo ng pagpapanagot sa mga public officials na nakapaloob sa ating Konstitusyon.
Si Abante ay isa sa mga nag-endorso ng impeachment complaint laban sa bise presidente.
Safe travels at happy trip naman ang mensahe kay VP Sara ni House prosecution spokesperson and Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.
Umaasa rin si Adiong na babalik agad sa bansa si VP Duterte.











