
Pinahaharap at pinagpapaliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan tungkol sa mga pahayag nito tungkol sa paggamit ng puwersa sa Pilipinas.
Ayon kay DFA Secretary Tess Lazaro, provocative at unacceptable ang mga statement ng Embahador tungkol sa mga komentong ibinigay nito tungkol sa West Philippine Sea (WPS).
Inirekomenda ni Lazaro na mas maiging gamitin ng embahador ng China ang tamang diplomatic channels at bilateral mechanisms tungkol sa isyu.
Giit ng DFA, bukas ang ahensiya sa pagsasagawa ng dayalogo kasama ang mga opisyal ng Tsina upang pag-usapan ang mainit na talakayan sa pinag-aagawang teritoryo sa karagatan.
Facebook Comments










