
Umapela ang kampo ni Vice President Sara Duterte na patuloy na pairalin ang Rule 18 ng Senate Impeachment Court rules na sub judice rule para sa tatlong articles of impeachment na naunang binawi na ng prosekusyon.
Ayon kay Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol, hiling ito ni VP Duterte sa manifestation ng defense team na inihain nitong November 4.
Nakasaad dito na nais ng bise presidente na patuloy na pairalin ang impeachment rule 18 o sub judice rule o pagbabawal na talakayin sa publiko o sa media ang merito ng kaso.
Ito ay para mapanatili ang integridad ng impeachment proceedings at maigalang ang constitutional rights ni VP Sara.
Isinaad din na hindi interesado si VP Duterte sa trial by publicity.
Matatandaan na noong October 13 na huling araw ng presentasyon ng house prosecution panel, iniurong ang articles of impeachment kung saan inalis ni Impeachment court presiding officer Chiz Escudero ang sub judice rule na nangangahulugan na binibigyan ng laya ang prosekusyon at depensa na talakayin ang tatlong inurong na articles of impeachment sa labas ng impeachment court.










