Binitay na ang top banker at dating chairman ng Huarong na si Lai Xiaomin sa China dahil sa kaso ng bribery, corruption at bigamy.
Ayon sa Chinese Supreme People’s Court, higit $260 million na suhol ang umano’y natanggap ni Xiaomin sa nasabing institusyon.
Hindi na sinabi pa kung anong klase ng bitay ang isinagawa pero pinayagan itong makita ang pinakamalapit na kamag-anak bago bitayin.
Nabatid na libo-libo ang sumasailalim sa bitay sa China taun-taon ngunit inililihim ito ng Chinese government ayon sa grupong Amnesty International.
Facebook Comments