CHR, iimbestigahan ang ‘cruel and inhuman’ Jolo twin blasts

Magkakasa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng “cruel and inhuman” na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Lunes, Agosto 24.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, walang sinuman ang dapat na makaranas ng karahasan katulad ng nangyari sa Sulu.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang CHR sa pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi dahil sa nangyaring mga pagsabog kabilang ang mga sundalo, sibilyan, pulis, at ang babaeng suicide bomber na siyang dahilan sa ikalawang pagsabog.


Facebook Comments