
Nagsimula nang magliwanag ang ilang pampublikong lugar sa San Carlos City sa pagbubukas ng Christmas season noong Nobyembre 20, kasunod ng isinagawang Christmas Lighting Ceremony.
Kabilang sa mga pinailawan ang mga Christmas decorations sa Barangay Bocboc, kung saan ginanap ang lighting ceremony sa FPJ Esplanade at Children’s Park.
Pinangunahan ng City Tourism Office ang aktibidad sa pamumuno ni Ruby Ballesteros, kasama si Vice Mayor Joseres S. Resuello.
Ayon sa pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng pagpapailaw ng mga dekorasyong pamasko ay pormal nang sinimulan ng lungsod ang Christmas season . | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










