Monday, November 23, 2026

DENR, MENRO AT BJMP, NAGSAGAWA NG CLEANUP DRIVE SA SAN MANUEL

Nagsagawa ng cleanup drive ang DENR-CENRO Urdaneta, MENRO-San Manuel at BJMP Urdaneta District Jail sa Barangay Cabaritan, San Manuel, Pangasinan.

Batay sa ulat, isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng programang R.I.V.E.Rs for Life (Recognizing Individuals/Institutions Towards Vibrant and Enhanced Rivers).

Nilinis ng mga ahensya ang mga ilog at waterways sa lugar.

Nakiisa sa paglilinis ang mga opisyal at personnel ng barangay, mga miyembro ng 4Ps, at mga tauhan ng Urdaneta District Jail – Male Dormitory.

Ayon sa BJMP Urdaneta District Jail, target ng aktibidad na mapanatiling malinis ang mga daluyan ng tubig at mahikayat ang mga residente na makibahagi sa pangangalaga ng kanilang kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments