
Arestado ang isang 28-anyos na lalaki na kabilang sa Top 3 Most Wanted Person sa Regional Level, sa isinagawang operasyon sa Rosales, Pangasinan, noong Nobyembre 22, 2026.
Kinilala ang naarestong suspek bilang isang construction worker,, at residente ng Matulinaw, Western Samar.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Rosales Municipal Police Station, katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office, Guagua Municipal Police Station ng Pampanga Police Provincial Office, Criminal Investigation and Detection Group, Regional Forensic Unit 8, Tacloban CCDIT, at Provincial Intelligence Team Pangasinan ng Regional Intelligence Group 1.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Rosales Municipal Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasagawa ng mga susunod na hakbang alinsunod sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










