
Umalma ang Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR) sa mga kritikong nagsasabing “scripted” lamang umano ang pagtugis sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay CIDG-NCR Director Col. John Guiagui, hindi umano sila magpapagod at maglalaan ng resources kung scripted lamang ang kanilang operasyon.
Binigyang-diin din ni Guiagui na ang ₱10-milyong pabuya ay ibibigay sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakaaresto ni Atong Ang, at mariing itinanggi ang alegasyong paghahati-hatian ito ng kapulisan.
Patuloy pa rin ang isinasagawang manhunt laban kay Ang, na itinuturing na nag-iisang natitirang akusado na hindi pa nahuhuli kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Facebook Comments










