Cauayan City, Isabela- Pang-anim ang City of Ilagan sa may pinamaraming aktibong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon dos batay na rin ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2.
Ang Lungsod ng Ilagan ay mayroong 145 aktibong kaso as of August 24, 2021.
Una nang naglabas ng Executive Order no.44 si City Mayor Jay Diaz na isailalim sa localized lockdown ang 48 barangays nito na nagsimula noong alas 8:00 ng gabi ng August 23 na magtatagal hanggang alas 8:00 ng gabi ng August 28, 2021.
Ang 48 na mga barangay na kasalukuyang sumasailalim sa localized lockdown ay kinabibilangan ng Brgy. Alibagu, Baligatan, Calamagui 1st at 2nd, Osmena, Guinatan, Camunatan, San Vicente, Sta. Barbara, Baculud, Bagumbayan, Centro Poblacion, Bliss Village, Cabannungan 1st at 2nd, Lullutan, Naguilian Sur, Malasin, Mangcuram, Sta. Isabel Sur, Malalam, Fugu, Aggasian, Centro San Antonio, Cabisera 3, Cabisera 22, Cabisera 9-11, Cabisera 17-21, Cabisera 7, Allinguigan 2nd, Marana 1st and 3rd, San Andres, San Isidro, Manaring, Rugao, Bangag, Murado, Fuyo, Sto. Tomas, San Felipe, Capo, Tangcul, Marana 2nd, Allinguigan 1st at 3, Sipay at brgy. Arusip.
Inilagay sa localized lockdown ang mga nasabing barangay bilang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at maiwasan ang hawaan at pagkalat ng nasabing sakit sa kalunsuran.
Dagdag ditto, nananatili ang number coding scheme sa mga pribado at pampublikong sasakyan mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi; Curfew hour mula alas 8 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga gayundin ang liquor ban.
Mahigpit din na ipinagbabawal ang anumang pagtitipon at binalaan na ang sinumang mahuhuli na lumabag dito ay agad na aarestuhin.
Muli namang nanawagan sa mga residente ang alkalde na patuloy lamang ang pagsunod sa minimum public health standards.
Sa kasalukuyan, kabilang sa ‘HIGH EPIDEMIC RISK’ ang lungsod ng Ilagan dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.