
Nagpapatuloy ang Citywide Oplan Baklas sa lungsod ng Las Piñas.
Ito’y sa direktiba ni newly proclaimed Mayor April Aguilar.
Ayon kay Aguilar, ipinag-utos na nilang tanggalin ang mga poster, tarpaulins at iba pang campaign paraphernalia sa pampublikong lugar.
Ang inisyatibang ito ay para matiyak na disiplinado at responsable ang pamamahala ng lokal na pamahalaan bilang pagtalima na rin sa utos ng Commision on Elections (COMELEC) na mayroon lamang silang 5 araw para tanggalin ang mga naturang campaign materials.
Facebook Comments