Ilang nagtitinda ng karneng baboy, aminadong hindi sinusunod ang SRP para hindi malugi

Halos wala nang kitain ang ilang nagtitinda ng karneng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila partikular na sa Pasay Public Market dahil sa taas ng presyo at kuha nila ng karneng baboy.

Kung kaya ang ilan ay ikinatuwa ang pansamantalang pagpapatigil ng maximum suggested retail price (MSRP) ng karneng baoy.

Sa panayam ng DZXL RMN Manila kay Arthur Rivera, sinabi nitong hindi dapat sila ang patawan ng Suggested Retail Price (SRP) dahil sumusunod lamang sila sa kung magkano ang presyo ng kuha nila sa farm gate o mga hog raisers.

Domino effect daw kasi ang nangyayari sa bentahan nito ngunit alam nilang mas nahihirapan ang mga consumer kapag mataas ang presyo.

Kasunod nito, nanawagan naman ang ilang nagtitinda ng karneng baboy sa Agriculture Department na bisitahin ang mga farm ng baboy para malaman din nila kung tama ba ang presyo na pinagkukuhanan ng mga seller ng baboy.

Sa ngayon, naglalaro ang presyo ng karneng baboy sa ₱380-420 sa laman, pigue, kasim at liempo.

Facebook Comments