
Umaasa si Senator Win Gatchalian na maipagpapatuloy ni Finance Committee Chairman Senator Mark Villar ang mga reporma sa proseso ng budget.
Sinabi ni Gatchalian, na dating Finance Committee Chairperson, naniniwala siya na maayos na pamumunuan ni Villar ang komite.
Malaki aniya ang karanasan ng senador sa negosyo at sa pamumuno noon sa isang malaking ahensya tulad ng Department Of Public Works And Highways (DPWH).
Sinabi ni Gatchalian na umaasa siyang maipagpapatuloy ni Sen. Mark ang mga reporma na isinulong noong nakaraang taon para mapalakas ang transparency at accountability sa budget process ng bansa.
Nakahanda naman ang senador na tulungan si Villar para sa smooth transition at timely na pagpapasa ng pambansang budget.
Facebook Comments










