
Kinuwestyon ng Malacañang kung bakit pinayagang makaalis ng Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kahit nasa ilalim ito ng protective custody.
Ayon kay Castro, batay sa naging pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla, nananatili noon si Dela Rosa sa protective custody ng Senado kaya hindi agad kumilos ang National Bureau of Investigation (NBI).
Dahil dito, sinabi ng Malacañang na mahalagang maging malinaw kung paano at bakit nakalabas ng Senado si Dela Rosa.
Bagama’t hindi pa direktang tinuturing na pagtakas ang insidente, sinabi ni Castro na sa pananaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi umano ito nararapat.
Kasabay nito, iginiit din ng Malacañang na rule of law pa rin ang paiiralin ng administrasyon sa kaso ni Dela Rosa.
Facebook Comments










