
Siniguro ni Department of Transportation o DOTr Secretary Vince Dizon na hindi nila hahayaang maantala ang mga repormang ipinatupad sa Land Transportation Office o LTO ni Chief and Assistant Secretary Markus Lacanilao.
Ito ang sinabi ni Dizon ngayong Lunes ng umaga, November 23 matapos ang closed-door meeting kasama si Lacanilao at MANIBELA Chairman Mar Valbuena, kasabay ng ikinakasang transport strike ng grupo.
Samantala, muli namang binigyang diin ni Dizon na wala pang kumpirmasyon at wala pang inilalabas na kautusan ang Office of the President kaugnay ng pagpapalit ng liderato sa LTO.
Facebook Comments










