Saturday, November 21, 2026

Dagdag-sahod sa Western Visayas, epektibo na simula ngayong araw

Epektibo na simula ngayong araw ang bagong minimum wage sa Western Visayas.

Kasunod ito ng pag-apruba sa Wage Order VI-30 ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ibig sabihin, nasa P590 na ang arawang sahod ng mga nasa non-agriculture sector matapos ang P40-45 na dagdag sa minimum wage.

Nasa P565 naman ang arawang maiuuwi ng mga manggagawang nasa agriculture sector, at non-agriculture, industrial at commercial na may hindi lalagpas sa 10 empleyado.

Samantala, epektibo na rin simula ngayong Biyernes ang dagdag na P500 sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa Western Visayas.

Nasa humigit-kumilang 193,000 na minimum wage earners sa pribadong sektor ang inaasahang makikinabang sa umento sa sahod bukod pa sa higit 161,000 na mga domestic workers.

Facebook Comments