Comelec, sinisigurong walang magiging aberya sa transmission ng mga boto sa araw ng halalan

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na walang magiging problema sa transmission ng resulta ng darating na eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ang dahilan kaya’t mabusisi sila sa mga detalye patungkol sa transmission ng halalan.

Unang binisita ng mga opisyal ng Comelec ang tanggapan ng isa sa mga telecom company sa bansa na nasa Taguig na makatutuwang sa eleksyon.


Kumpyansa ang mga opisyal ng poll body sa nakitang kahandaan ng telco para masigurong walang magiging aberya.

Ayon kay Garcia, para sa darating eleksyon 240,000 na simcards ang gagamitin at ilalagay sa automated counting machines.

Hinati naman sa taltong malalaking telco ang gagamiting simcards pero nakadepende ito kung anong telco ang malakas sa isang lugar.

Para naman sa wala talagang signal, may nakahandang starlink satellite na gagamitin sa transmission lalo na sa oras ng canvassing kung saan target ng Comelec na masimulan ang transmission ng resulta taltong oras pagkatapos ng botohan.

Facebook Comments