COMELEC, sisikapin mapigilan ang maling paggamit ng Artificial Intelligence sa 2025 Elections

Pipigilan ng Commission on Elections (COMELEC) ang maling paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at troll farms sa 2025 midterm elections.

Ito ang inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia.

Ayon kay Garcia, naglatag na ang COMELEC ng mga panuntunan upang subukang i-regulate ang AI, deep fakes, soft fakes, at iba pang mga programa.


Dagdag ni Garcia, hindi nila tuluyang ipagbabawal ang paggamit ng AI dahil maganda naman ito kapag nagamit nang maayos.

Umaasa ang komisyon na ang paggamit ng tuntunin ay mas magpapadali sa kahilingan sa social media platforms na alisin ang malicious information o news o fake news.

Kasabay nito, sinabi rin ni Garcia na maiparehistro ang mga account ng mga kandidato na kanilang gagamitin.

Pero, sisiguraduhin nila na mapaparusahan ang mga mapatutunayang nakagawa ng maling impormasyon at fake news.s

Facebook Comments