SINASAKYANG PICK-UP NG MGA BARANGAY OFFICIALS, NAHULOG SA BANGIN; WALO, SUGATAN

26
Sugatan ang walong indibidwal matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang pick-up truck sa Tabuk City, Kalinga ngayong araw, Agosto 3, 2022.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PDRRMC Kalinga, pauwi na ang mga biktima sa kanilang lugar sa Brgy. San Francisco, Rizal, Kalinga mula sa isang pagtitipon ng maganap ang aksidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na may nahulog na bato sa kalsada kung kaya’t nataranta ang drayber dahilan upang mauwi sa pagkahulog ang kanilang sinasakyan.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng rescue team sa insidente kaya’t mabilis na nadala sa pagamutan ang mga sugatan para sa kaukulang lunas.

Kasalukuyan silang nagpapagaling sa Kalinga Provincial Hospital at Juan Duyan District Hospital.

Facebook Comments