COMPLETE | Smartest toilet bowl, ibinebenta sa Japan

46

Japan – Inilabas na sa Japan ang tinagurian nilang “Smartest Toilet Bowl”
ang Toto Neorest Nx2.

Kung meron ka nga raw nito sa bahay, wala kang ibang kailangang gawin kundi
sagutin ang tawag ng kalikasan at ang Toto Neorest Nx2 na ang bahala sayo.

Otomatiko kasing nagbubukas ang toilet cover seat ng bowl habang papalapit
dito kaya hindi mo na ito kailangang hawakan.

May feature din ito na pwedeng painitin ang toilet seat para iwas
goosebumps.

At kapag tapos ka na, hindi mo na rin kailangang maghagilap ng tabo at
tissue dahil otomatiko rin itong nagbubuga ng puriied water at mayroon ding
built-in-dryer.

May sarili rin itong deodorizer at gumagamit ng electorized water na may
cleansing at anti-bacterial properties para masigurong lagi itong malinis.

Mabibili Toto Neorest Nx2 sa halagang 11,000 dollars o katumbas ng mahigit
kalahating milyong piso!

Facebook Comments