Ipapatupad na rin ang compressed workweek sa mga tanggapan ng pamahalaan sa La Union at Ilocos Sur bilang suporta sa Malacañang Memorandum Circular No. 114 na nagtataguyod ng pagtitipid sa enerhiya.
Sa ilalim ng Executive Order No. 5, lilipat sa 4-day workweek ang mga tanggapan ng Provincial Government of La Union at Ilocos Sur simula ngayong araw, Marso 9, 2026.
Sa bagong iskedyul, papasok ang mga empleyado mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, habang ituturing na non-working day ang Biyernes.
Gayunman, mananatili ang regular na operasyon ng mga tanggapang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng kalusugan, disaster response, at seguridad upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko. #| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










