
Arestado ang isang 38-anyos na construction worker matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa San Fabian noong Abril 28, 2026.
Nahuli ang suspek matapos niyang iabot sa isang pulis na nagpanggap bilang poseur-buyer ang isang heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Tinatayang may bigat itong 0.2 gramo at may halagang ₱1,360.
Kapalit nito, tinanggap ng suspek ang ₱1,200 na buy-bust money, na binubuo ng isang tunay na ₱100 bill at boodle money.
Matapos ang kanyang pag-aresto, narekober mula sa kanyang pag-iingat ang nasabing marked money.
Isinagawa rin sa mismong lugar ang pagmamarka, imbentaryo, at pagkuha ng litrato sa mga ebidensya sa presensya ng kinatawan ng media at mga opisyal ng barangay, alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.
Ang buong operasyon ay naitala gamit ang isang Alternative Recording Device upang matiyak ang transparency at integridad ng operasyon.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Ayon sa pulisya, patunay ang matagumpay na operasyon sa patuloy na pagsisikap ng mga awtoridad na labanan ang ilegal na droga at mapanatili ang kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










