
Pinagbabayad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kumpanyang may-ari ng nasunog na tourist bus sa bahagi ng EDSA-Ortigas Interchange.
Ito ay bilang kabayaran sa lahat ng gastusin para sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng flyover upang maibalik ito sa dating kondisyon.
Sa liham na ipinadala ni DPWH Secretary Vince Dizon sa LS8 Tourist Transportation Corporation, inaatasan din ang kumpanya na sagutin ang anumang karagdagang gastos na maaaring lumitaw matapos ang detalyadong structural evaluation.
Kabilang din dito ang permanenteng remedial works na kinakailangang isagawa sa flyover.
Matatandaang nasunog ang isang tourist bus noong April 24 sa EDSA-Ortigas Interchange na nagdulot ng matinding abala sa publiko, lalo na sa mga motorista.










