Thursday, April 30, 2026

ARESTADO ANG ISANG MAGSASAKA SA SAN NICOLAS SA KASONG RAPE

Matagumpay na naisilbi ng mga tauhan ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company, sa pamumuno ni PLtCol Richard Q. Agrade, ang isang warrant of arrest laban sa isang lalaki na inaresto sa loob ng custodial facility ng San Nicolas Municipal Police Station.

Ayon sa ulat, ang akusado ay isang lalaki, may asawa, magsasaka, at residente ng Quezon City.

Siya ay nahaharap sa kasong Rape sa ilalim ng Artikulo 266-A par. 2 na inamyendahan ng Republic Act No. 8353, na may limang bilang ng kaso at may inirekomendang piyansa na ₱120,000.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga operatiba ng Pangasinan 2nd PMFC at San Nicolas Municipal Police Station, na nagresulta sa maayos at mapayapang pagsisilbi ng warrant.

Ayon sa pulisya, patunay ito ng kanilang mabilis at epektibong aksyon sa pagpapatupad ng batas, bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa hustisya at kaayusan sa komunidad.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na susunod ang mga kaukulang proseso ng batas para sa kaso ng akusado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments