CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO SA KASONG PAGPATAY

CAUAYAN CITY- Tuluyan ng napasakamay ng mga otoridad ang lalaking tinaguriang top 7 most wanted person provincial level matapos maaresto ng mga otoridad sa Brgy. Naggasican, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Roger”, 52-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Donabel Asuncion Balot, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 36, Santiago City noong January 27, 2025 sa kasong pagpatay kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Samantala, dinala ang suspek sa himpilan ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments