SITWASYON SA COMELEC CHECKPOINT SA CAUAYAN, NANANATILING PAYAPA

Cauayan City – Zero incidents at nananatiling payapa ang sitwasyon sa nakalatag na COMELEC checkpoints sa lungsod ng Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer ng COMELEC Cauayan, ikinatutuwa nito ang pagiging tahimik ng sitwasyon sa lungsod simula nang magsimula ang panahon ng eleksyon.

Aniya, bukod sa magandang koordinasyon ng COMELEC Cauayan at Cauayan City Police Station, maging ang mga motoristang dumadaan sa checkpoint ay sumusunod at maayos na nakikisama sa mga awtoridad dahilan upang hindi makapagtala ng anumang paglabag.


Sinabi ni Atty. Vallejo na tuluy-tuloy ang pagsasagawa ng checkpoints sa Brgy. Tagaran, Cauayan City at Brgy. Alinam, Cauayan City, at patuloy rin ang pagbibigay ng update ng kapulisang nakatalaga sa kasalukuyang sitwasyon sa kanilang binabantayang lugar.

Patuloy naman ang ginagawang pagpapaalala ng COMELEC sa mga motorista kaugnay sa mga dapat gawin kapag dumaan sa COMELEC Checkpoints.

Facebook Comments