
CAUAYAN CITY – Inaprubahan na ng Kamara ang ika-apat na impeachment complain laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isinagawang House plenary session kahapon, ika-lima ng Pebrero, nasa 215 mula sa 306 house members ang sumuporta sa nasabing complaint na isusumite sa Senado.
Ipinaliwanang ni House Secretary General Reginald S. Velasco na ang impeachment complaint ay dahil sa ilang mga alegasyon laban sa bise-presidente katulad ng bribery and corruption sa DepEd, unexplained wealth and failure to disclose assets, malversation of P612.5 million confidential funds, at iba pa.
Samantala, ilan namang mga representative mula sa lalawigan ng Isabela ang pumirma sa impeachment ni VP Sara kabilang na si 5th District Representative Faustino Michael Dy, 4th District Representative Joseph S. Tan, 2nd District Representative Ed Christopher Go, at 6th District Representative Faustino Dy V.