Construction worker sinaksak ng kasamahang construction worker

Sugatan ang isang construction worker makaraang pagsasaksakin ito ng kanyang kapwa construction worker kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Amado Papa street barangay RH-10. Kinilala ang biktima nasi Tho Madanding Saban nasa tamang edad, May asawa at nakatira sa naturang lugar, na nagtamo ng mga saksak sa tiyan, na mabilis isinugod sa pagamutan. Habang ang suspect ay nakilala sa pangalang Ivan Don Pascual 24 anyos, na nahuli ni Tamontaka 1 chairman Jemran Pangilan na tiyempong naroon malapit sa crime scene at kaagad na tinurn over sa PP2. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, nag iinuman umano ang dalawa nauwi sa pagtatalo hanggang kumuha ng 12 inches na kutsilyo ang suspect at kaagad na inundayan ng saksak ang biktima..Sa ngayon ay nakapiit na ang suspect sa lock-up cell ng PP2 at nakatakdang sampahan ng kaso.

Facebook Comments