Kalibo, Aklan — Pansamantala munang itinigil ang operasyon ngayon ng COVID-19 Molecular Laboratory sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH). Ito ay matapos na ang ilang staff nito ay nagpositibo sa COVID-19. Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan sa Western Visayas Medical Center, Department of Pathology, Sub-national Laboratory sa Iloilo City muna ipapadala ang mga makokolektang swab specimens ng PHO para doon i-test. Dagdag pa ni Cuachon na si Aklan Governor Florencio T. Miraflores ang mismong nakipag-coordinate sa WVMCDP-SNL para na ma proseso agad ang mga ipapadalang swab specimen doon. Sa ngayon ay may 203 na swab specimens ang ipapadala sa WVMCDP-SNL. Samatala, posibleng aabutin pa ng dalawang linggo bago muling makapag-operate ang nasabing laboratory.
COVID-19 Molecular Laboratory ng Aklan, pansamantala munang itinigil ang operasyon
Facebook Comments