Mas bumaba pa ang crime statistics sa Cotabato city sa nakalipas na pitong buwan, itoy ayon naman sa report ni City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio sa ginawang City Peace and Order Council meeting kahapon. Ayon kay Col.Octavio, nakapagtala ang City PNP ng 172 index crime at 228 non index crime at bumaba ang kaso ng murder na nakapagtala lamang ng 46 na mas mababa kung ikumpara lastyear na merong 49, bumaba din ang insedente ng Robbery at snatching, gayundin ang carnapping. Tumaas naman ng 63% ang crime solution rate ng City PNP na mataas sa nakalipas na mga taon.Ang lahat umano nito ay dahil sa pinalakas na kampanya ni Mayor Cynthia Guiani Sayadi ng pagroronda katuwang ang mga force multiplier at mga barangay captain. Umabot naman sa 115 katao ang nahuli nilang may kinakaharap na Warrant of Arrest at 12 dito ay kinaharap na malaking kaso.Umabot din sa 1.5.kilos ng shabu ang kanilang nasamsam sa 130 na drug operation at 162 katao ang nahuli at walo ang napatay matapos na manlaban.
Crime statistics sa Cotabato city bumaba sa dalawang quarter
Facebook Comments