Likas sa mga Pangasinense ang pagpapakitang gilas sa pagguhit at pagiging malikhain sa larangan ng sining.
Pinatunayan niyang ang isang kabataan at kasalukuyang estudyante na si Chriztane Estrada mula sa San Jacinto na forte ang paggawa ng customized handmade art at digital works.
Sa edad niyang 20 taong gulang, ginawa niyang pangkabuhayan ang kanyang art passion sa pamamagitan na pagtanggap ng art commission, murals, at painting sa canvas para sa kanyang mga isasagawang obra.
Maliban dito, kaya rin ni Estrada gumawa ng customized handmade art tulad ng bookmarks, paint palette, keychain, necklace, bags, wallets, at iba pa!
Patunay lamang nito na wala sa edad ang pagiging madiskarte, gamitin lamang ang likas na talento para maipamalas ang angking abilidad para sa susi ng iyong tagumpay. |ifmnews
Facebook Comments