DA-Maguindanao, inihahanda ang mga bago nitong kawani!

Upang mailagay sa lugar at maayos ang kanilang appointment at maging palmilyar at klaro muna sa kanila ang mga panuntunan ng departamento, tinipon ng Department of Agriculture-Maguindanao ang 31 bagong-hirang at promoted na empleyado ng departamento, ayon kay Provincial Agricultural Officer Dr Daud K. Lagasi, Al-Hadj,
Tampok sa orientation ang pagpapakilala sa bawat isa sa mga appointees at kanilang posisyon na sinundan naman ng pagpapakilala sa bawat isa sa mga kawani ng Department of Agriculture-Maguindanao mapa permanente, casual, at contractual mula sa administration, operations, maging sa research outreach station.
Ito ay upang malaman ng mga bagong empleyado ang kanilang magiging katuwang sa pagtataguyod ng mga mandato ng opisina para sa mga magsasaka’t mangingisda na nagsisilbing pangunahing kliyente nito. (photo credit:DA-Maguindanao)

Facebook Comments