Sinimulan na ng Local Price Coordinating Council (LPCC) ang pagbabantay sa presyo ng mga bilihin sa kick-off activity sa pamilihang bayan noong Abril 20, 2026.
Ayon sa ulat, kasama ang DTI, Agriculture Office, Local Economic Enterprise, PNP at mga market personnel na sinuyod ang mga puwesto.
Kabilang sa mga sinuri ang halaga ng karne, gulay at bigas.
Giit ng lokal na pamahalaan, magsisilbi itong panimula ng tuloy-tuloy na monitoring sa pamilihan habang hinikayat ang mga nagtitinda na sumunod sa tamang presyuhan.
Facebook Comments










