CAR-FREE SUNDAYS, IPATUTUPAD SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION

Isinusulong ang pagkakaroon ng aktibo at healthy lifestyle para sa mga residente sa San Fernando City, La Union, sa planong pagpapatupad ng ‘Car-Free Sundays’ sa itinakdang oras at pampublikong lugar, bilang pagtalima sa utos ng DILG upang tugunan ang malnutrisyon at tumataas na bilang ng overweight o obese sa bansa.

Sa naturang kautusan, pansamantalang isasara ang piling kalsada, pampublikong parke, plaza at ilan pang espasyo upang bigyang-daan pagpapatupad ng community-wide physical fitness at recreational activities para sa mga residente.

Bagaman, wala pang pinal na oras at lugar sa lungsod na posibleng maapektuhan ng direktiba, suhestyon ng ilang residente ang pagkakaroon din ng pickleball court, at pagpapatupad ng ‘No Personal Cars’ upang mapalawig ang benepisyo ng kautusan.

Positibo ang publiko sa benepisyong maidudulot ng direktiba upang tugunan ang mga kondisyon sa kalusugan partikular sa mga edad 20 pataas.

Facebook Comments