Thursday, April 23, 2026

Kabuuang mahigit 7,000 OFWs at dependents na naapektuhan ng giyera sa Middle East, napauwi na ng bansa

Kabuuang 7,196 Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang dependents ang napauwi na ng bansa matapos maipit sa giyera sa Middle East.

5,197 sa mga ito ay OFWs at 1,360 ang dependents.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac, prayoridad sa mga tinulungan na makauwi ay OFWs na nasa high-risk areas, may karamdaman, at may agarang humanitarian concerns.

Tiniyak naman ng DMW ang patuloy na koordinasyon ng pamahalaan sa mga katuwang na ahensya ng gobyerno para masuportahan ang OFWs sa kanilang pagbangon.

Facebook Comments