Tuesday, April 21, 2026

KIDS SUMMER ARTS PROGRAM 2026, ISASAGAWA SA ALAMINOS CITY

Handa nang umarangkada ang Kids Summer Arts Program 2026 matapos ilabas ang pinal na listahan ng mga kalahok para sa dalawang batch ng programa.

Ayon sa mga tagapag-organisa, ang Batch 1 na binubuo ng mga batang edad syete (7) hanggang sampung (10) taong gulang ay inaasahang magsisimula sa Abril 22, 2026. Samantala, ang Batch 2 na kinabibilangan ng mga edad onse (11) hanggang kinse (15) ay nakatakdang magsimula sa Abril 23, 2026.

Layunin ng programa na mabigyan ng masaya, makulay, at malikhaing karanasan ang mga kabataan ngayong tag-init. Sa pamamagitan ng iba’t ibang art activities, inaasahang mahahasa ang kanilang talento sa sining at mapapalakas ang kanilang pagpapahayag ng sarili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments