DA: Occidental Mindoro, ASF free na

Idineklara ng Department of Agriculture (DA) na African Swine Fever (ASF)-free na ang Occidental Mindoro matapos ang isinagawang blood test.

Ayon sa Bureau of Animal Industry, negative na sa ASF ang blood samples batay sa latest analysis.

Kabilang dito ang mga baboy mula sa San Jose, Sta Cruz at Rizal.


Isinagawa ang blood test upang malaman kung may aktibong kaso pa ng ASF sa Mindoro.

Base sa resulta ng regional animal disease diagnostic laboratory, wala nang ASF sa lokal na populasyon ng baboy sa lalawigan.

Facebook Comments