Friday, November 20, 2026

Agarang pagsasabatas sa panukalang “Batang Ligtas Act,” panawagan kay PBBM

Umaapela si Akbayan Partylist Rep. Dadah Kiram Ismula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad isabatas ang “Batang Ligtas” bill na niratipikahan na ng Senado at Kamara.

Panawagan ito ni Ismula makaraang mahadlanagan ng National Bureau of Investigation ang planong pamamaril sa isang paaralan sa Batac, Ilocos Norte na nagpapakitang patuloy pa ring tinatarget ang ating mga kabataan ng mga extremist recruitment online.

Ayon kay Ismula, nasa hometown na mismo ni Pangulong Marcos ang posibleng violent extremism recruitment na isa sa mga patunay sa pangangailangang maisabtas na ang Batang Ligtas bill upang ganap na maprotektahan ang ating mga kabataan, saan man sila sa ating bansa.

Sa ilalim ng panukala ay palalakasin ang depensa laban sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children, grooming, at AI-manipulated abusive content.

itinatakda din ng panukala ang mas istriktong parusa sa mga nagsasagawa ng online recruitment o pag-uudyok sa mga menor de edad na gumawa ng karahasan, pinsala sa sarili o property damage.

Facebook Comments