Dagdag buwis sa mga kargamentong pumapasok sa Manila North Harbour, ipatutupad na sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Aprubado na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang dagdag buwis sa mga kargamentong papasok sa Manila North Harbour Port.

Simula sa Hulyo 21, itataas sa 24% ang cargo holding tariff sa bawat kargamento na ipatutupad sa loob ng tatlong taon.

Walong porsyento kada taon ang itataas mula 2017 hanggang 2019 pero ibabatay ang kompyutasyon sa 2015 tariff rates.


Gayunman, kinontra ito ni United Filipino Consumers and Commuters President Rodolfo Javellana dahil magreresulta ito sa mas mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin na papasanin ng mga konsyumer.
Sinabi naman ni Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Philippine Exporters Confederation Inc. – ipo-protesta nila itong dagdag buwis.

Tinatayang 80 porsiyento ng mga produkto sa bansa ay pumapasok sa Manila North Harbour.

Ang tariff increase ay bunsod ng mataas na gastusin sa operation cost ng Manila North Harbour.

Bukas naman ang PPA sa anumang petisyong ihahain kontra rito.

Facebook Comments